<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=22387937&amp;blogName=tawa+na+lang.+hahaha.&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fcharleymarianregina.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fcharleymarianregina.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <iframe src="http://www2.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=6035547611738480329&blogName=JEX.+%3BD&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Findex.html&searchRoot=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Y 11.26.2006


hay. maiksi lang toh. next time ko na talaga. habaan.


nakakaiyak talaga. yung mga taong akala mong sasamahan ka at gagabayan ka sa buhay, sila pa nagpapalungkot sa iyo. hay. kainis talaga. paano ba naman. nag deal kami ng dad ko na pag mataas yung grades ko bibilan niya ako ng bagong digi-cam. mataas naman lahat eh, except sa pinoy na bumaba ng isang puntos. bakit kaya bumaba yun? nakakadepress. pero sa kasamaang palad, hindi ako binilhan. kasi daming mga factors na nakaka-apekto. una, ung mga kapatid ko. bakit daw ako bibilhan. tyka isang hingi ko lang daw ibibigay na. kala lang nila yun. may condition kaya!! hay. nakakainis pa ung sinabi na isang hingi ko lang ibibigay na. doon talaga sila nagkakamali. sila kaya yun, isang sabi lang bigay na kagad. ako dami pang mga condition effect. tyka feeling ko naiinggit lang sila. ewan ko. tama bang sabihin yun? wahaha. pangalawa, yung mama ko. masyado daw mahal. hindi ko na alam. nawiwindang na ako.
grabe talaga. sa mall para akong bata, iyak ng iyak. kairita kasi yung mga tao eh. lalo na yung mga kapatid ko. tapos sabi ng mama ko ibibigay niya daw sa akin ung bago niyang cp. sa kasamaang palad, hindi nabigay dahil sa mga kapatid ko. hay. kadepress.
pagdatiing sa bahay, tinulog ko na lang ung sama ng loob ko. tapos eto talaga yung nag pa-iyak sa akin. nung ilalagay na yung maleta ko para sa ymca sa kotse, biglang sinabi ng mama ko na bakit daw ang laki daw ng maleta ko. grabe talaga. kaiyak. kasi parang lahat na lang kinokontra. hai.
ewan ko. parang ayoko na lang umuwi galing sa baguio
pagod na ako sa buhay ko
pakamatay na nga


BLACK AND WHITE -
11/26/2006 09:03:00 PM




Y 11.20.2006


akala ko pa naman hindi nakakapagod ang araw na toh. mali pala ako. sa tle, wala si mam quintal. maaaring nasa baguio siya ngayon para sa parliamentary procedure. fm, walang ginawa. gumawa lang ako ng aking gawaing bahay para sa asignaturang sipnayan. pe, wala si pogi, wee. ang saya! pero sinabi niya na mag ensayo raw kami para sa nalalapit na carol fest. sana manalo kami! erg. may na alala ako. bwisit! mananalo kami! wahaha. hay grabe. at nagsimula na ang pagdurusa. sobrang natuyo ang utak ko!! biro mo ba naman. mula sa asignaturang ingles hanggang sa asignaturang pisika ay puro mga pagsusulit ang ginawa namin. sino ba naman ang hindi matutuyuan ng utak non?

nagalit sa amin kanina ang aming guro sa ingles. e2 pa nga ang mga katagang kanyang sinabi,
"un ang sinabi ko, kaya wag mong ipilit na iba ang sinabi ko dahil alam ko kung ano ang sinasabi ko."-azuh

nagtaray talaga ang lola mo. tapos ayun na, magbigay na siya ng pagsusulit. masaya naman ako dahil mataas ang nakuha kong marka. ngunit hindi ko akalain na magiging sunuod-sunod na ang aming pagdurusa. sa asignaturang ekonomiks, nag seatwork kami. pagsusulit din yun diba? parang ganon. wahaha. at pagdating ng asignaturang sipnayan, pamatay talaga yung pangalawang numero. hindi ko alam kung papaano ko ma-fafactor yun. laking pasalamat ko sa May Kapal at nakapasa naman ako. at eto na ang kinakatakutan ng lahat, ang kimika! patay na. grabe, sobrang minadali kami ng aming mahal na guro.

"its alrheady time. baka mah-leyth na kayoh sa shushunod niyohng shubject"
-frahnchiscoh

kaya un, hindi ko tuloy nasugutan ang ikaapat at ikalimang numero. ngunit hindi pa doon tumigil ang aming mga pagsusulit. sa asignaturang sangkatauhan [humanities. wahaha] binigyan kami ng azuh ng pagsusulit tungkol sa iniuulat namin noong 2 linggong nakakaraan. windang ako. yung mga taong akala naming pinagkukuhanan ng mga sagot ng mga tao, sila pala ang na ngongopya. alam na. wahaha. sa asignaturang pisika, may pagsusulit uli. hay pagod na utak ko. dinadalaw na ako ni somnus, ngunit kailangan labanan ang antok kahit na alam kong ito'y nag papa-bobo. sa asignaturang araling syensya ng kompyuter, nagbigay lang siya ng panibagong aralin. ang saya kasi naintindihan ko.

wee. ang saya. walang pasok bukas. pagbubukas kasi ng palarong maynila. kaya yun, walang pasok! pero kung susumahin, ang mga mag-aaral lamang ng ikaapat ng baitang ang walang pasok dahil may mtap ang mga mag-aaral ng una hanggang sa ikatlong taon.

eh ano naman kaya ang gagawin ko dito sa bahay? nakakatamad kaya. tutunganga nalang ba ako't tititigan ang aming pader? wahaha. ewan ko. mas mainam siguro kung matulog na lang ako para masaya. marami pa akong dapat gawin. aaralin ko pa yung i-uulat ko sa filipino. gagawin ko pa ang proyekto ng aking mahal na kapatid. napakabait ko talagang ate. weh? wahaha. at yung sikreto namin ni maricar. wahaha.

masaya ako at nasilayan ko ang kanyang mukha kaninang uwian. wahaha. kababawan ko na naman. eh ano naman ngayon? eh kung sa yun ang nagpapasaya sa akin eh. sana makamit ko na talaga ang tunay na kasiyahan sa buhay. wahaha. ang lalim. pero hindi drama yun ha. gusto ko yun ang regalo ko sa nalalapit na pasko! wahaha.

lapit na ng ymca. ako'y lubos na nagagalak. dami sasama sa ikaapat na taon. sana manalo muli ang ating paaralan bilang outstanding delegation at largest delegation. wahaha.

ciecie. yan muna sa ngayon. bukas uli wala namang pasok eh. papalitan ko na rin ang layout nito. ilang bilyong taon na rin ang nakakalipas eh. wahaha. cie


BLACK AND WHITE -
11/20/2006 08:20:00 PM




Y 11.16.2006


erg.
pangatlong beses ko na toh ittype.
pota.
uko na nga ulitin lahat.
aun.
anu ba mga nangyri ngeong araw ntoh?
tle.
mai asignatura bang ganon?!
wahaha.akla ko nga nde na ddting un bruha na un eh.wahaha
nagluto kme.disaster un "muffins" nmen.

tpos nun,3 oras na sunod2 na vacant.!ansya.
eh xe Lp muna,tp0s nun lunch.
eh mai chuva sa audi.,so wLa c p0gi sa amen.wahaha
mjo asar nga eh.eh xe un mga ibng r0entgen sumasama lan sa pdmt pag mai activty.
pro mai miting na.,wala na.an onti na ng mga pdmt.
anu kea un.?hai
tpos un.nag desyn kme ng english ro0m.
cnubukan ni laurence na wak na kme magtst sa municipal rep0rt.
pro he has failed.nde nia nkayanan un mga powers ni azuh.wahaha
tpos huma..leche drma nnman.nde na nagswa.
math..anblis mag2ro ni mam diaz.
prang machine gun na nde nauubusan ng bala.adik tlg un
pro msya xe naintndhan ku un lesson.wee.
kimika..as usual.,inaabangan un orasan.wahaha
"itsh shevehn minutesh advansh"
pro angling xe nkuha ku un seatwork.wahaha
aun.pinoy.pngkatan.anlandi ni nini
pisika.obertaym nnman c sir bau.
at an pnka mgndng asignatura sa araw na ito.
enrichment physics!!
grbe.,mhal ku tlg c mr. taylor.
adik kea.,antalino nia..tpos mgling pa xa sa cs!!
san kpa?mai websyt nga xa eh..wahaha
grb kea.angling nia tlg.kht un nlng un mging subj ku buong arw
kht buong arw xa lan un titser ku.ukiuki lan.
wahaha.
i labyu mr. taylor.!!
uki nkme ni nia.sa tngin ku uki na kme
sna mging uki na an lhat.
waa.anlapet n ng ymca.haha
kso dmi nssma na mga ta0ng nde ku gs2.
pro uki lan un.wla na aqng mggwa
yaan n nten cla,lastt yir n nman eh.
wahaha.
cie.yan muna sa ngeon


BLACK AND WHITE -
11/16/2006 10:21:00 PM




Y 10.31.2006


wee. ang saya. andito na ako sa sibilisasyon, kahit pansamantala lang. wahaha.



* * * *
andito kami ngayon sa tacloban. grabe ang tibay ko talaga kasi nag-absent lang ako. tapos na kasi yung sembreak namin, paano ba naman, death anniversary ng lolo ko. eh pinilit ako ng mama ko, so yun, andito na ako ngayon.

grabe, nung unang day palang namin dito, parang puro suffering na lang. ang dami kasing lamok dito. feeling ko tuloy magkaka-dengue na ako. thank God hindi ako nagkaroon, or i think so. wahaha.

medyo inis ako sa mga tao dito kasi sobrang dumi nung house, eh may allergic rhinitis pa naman ako. buti na lang talaga nag-hotel na kami ngayon, or else i would really die! wahaha. arte ba? eh totoo naman eh, punta ka kayo dito!

i miss manila na, kahit sobrang polluted na doon and all. mas gusto ko parin doon kasi i feel comfortable. wahaha. speaking of manila, hindi pa ako nakakabili ng mga pasalubong para sa mga tao doon. bukas na lang. wahaha. pupunta pa kami ng mga pinsan ko sa kweba tyka sa talon. wee! ang saya noon. at least medyo may adventure effect naman kami dito. nababangkig na kaya kami ng mga kapatid ko dito. pero ang galing kasi bonding moment kami ng mga kapatid ko, kahit papaano nagkaka-sundo kaming lahat. at hindi kami masyado nag-aaway! oh yan daddy ha, yung shop till you drop namin ha. promise mo yun. wahaha. sana nga lang mangyari yun, kuripot kasi yung ama ko eh. wahaha.

anyways, masarap naman yung mga food dito. pumunta kami ng best friend ni mama sa coffee shop kanina, version daw yun ng tacloban ng starbucks. pero yuck ha, hindi siya lasang latte. no offense, totoo kaya, nag hahanap nga kami ng comment box kanina eh, pero wala. sabi ng insan ko, pag nagkaroon ng comment box, baka daw bumaha na yun sa dami ng nagbibigay ng comment. nyahaha ;p

sana lubos-lubusin na namin yung stay namin dito.. tatlong araw na lang kasi eh, wee! balik manila na kami, tapos school na and all. back to normal na ang lahat ng mga bagay.. waa, parang hindi pa ako ready. buti na lang wala masyadong ginagawa yung mga moseley ngayon.. excused effect lang sila para sa demo sa pinoy.. waa, demo!! paano na ako. waa, haggard mode. kailangan na talaga mag-habol. tao pa kaya ako pagbalik ko doon? baka maging promdi na ako.. wahaha. buti na lang andiyan yung mga taong nag-tetext sa akin, feeling ko mamatay na ako dito. kasi naman, parang nasa wilderness talaga kami doon sa bahay ng lola ko. waa, ayoko na isipin. it will haunt my dreams forever. wahaha. drama mode.

bukas daw punta daw kami club ng mga kapatid ko. pwede ba kami doon? minors pa kami diba? ang saya naman non. wee! pero feel ko hindi ko kakayanin kasi aantokin lang ako doon. yung mga kapatid ko lang naman kasi yung laging hype eh. feeling of hype, yung extra joss pala amphetamine pala yun [tama ba yung spelling? wahaha]. nalaman ko lang kanina sa pinsan ko.. paano ba naman, yung mga kapatid ko adik na ata doon. marami daw side effects yun [e.g. mabaho yung sweat, etc.]. nabigla lang ako, akala ko parang stress tabs lang yun or gatorade na para pang pa-boost lang ng energy.. droga pala yun. wahaha! windang mode.

nag pa-parlor din kami kanina. wee! nagpagupit ako. pero kainis kasi hindi nasunod yung gusto kong gupit.. alam mo naman. haha. ayoko ko na lang sabihin. tapos nung binigay na yung bill, ang mahal! biro mo 8k++ yung binayad namin para doon! tapos sinugatan pa nila yung mga kamay at paa namin nung nilinisan kami ng nails. grabe, sobrang waste of money talaga. buti na lang talaga hindi nasira yung buhok ko, or else baka sinabunutan ko na yung bakla doon, bubunutin ko yung mga kilay niya. nyahaha;p ang malas nga lang ni casey, hindi maayos yung bangs niya.. mukha tuloy siyang wasted. kaya nga ang rating namin doon sa salon na iyon ay NA [never again] wahaha.

ang bilis naman ng panahon, alas-nueve na pala.. wahaha

wala na akong masabi

ciecie

sa susunod na lang ule mga tol.



BLACK AND WHITE -
10/31/2006 08:38:00 PM




Y 10.17.2006


wala lang. ang saya ng mundo.


* * * *


tapos na yung foundation day. ang cute ng moseley, ang daming vain! grabe todo ayos ang lahat, ang daming ka-chuvahan. hindi naman napansin ni ma'am sj ung chuva namin nung field demo. pero okay lang un. ang kulit nga kasi nung nakapila kami may biglang dumaan sabi "can you please move.." ang taray! grabe! si ma'am banta pala yun, so windang mode kaming mga moseley. hindi namin kinaya yung levelling ni ma'am. as in talaga nung dumadaan siya, nahahawi yung daan. hehe. okay lang ung exhibition, hindi naman siya panget hindi din superb.


after nung field demo, pinahanay kami ni louis para sa pdmt. windang mode ule kasi ako yung nag-check ng mga attendance. eh wala akong dalang papel, ballpen lang talaga! so un, improvise. tapos inayos na namin yung booth namin. grabe pinaghirapan ko yung mga chuva don sa alipin booth. alas-dose na ako natulog para lang matapos yung mga signage namin. akala ko nga hindi kikita eh, pero nakuha kami ng almost 2k! ang saya. sobrang mabili ang mga papable. lalong lalo na si papa mikhail! grabe, walang pahinga yun. simula nung nagbukas yung booth namin hanggang sa last minute may master siya and to think na marami pang nag-reserve at nakapila sa kanya. hindi na nga ako nakakain nung araw na yun eh, tamad na. ang saya nung exhibition of the bands, pero pinaka nagustuhan ko yung banda nila vanir. ang cute kasi. hehe.


* * * *


andito sila nia at maricar ngayon kasi nag overnight sila para matapos namin yung economics namin. ang saya kasi girl bonding moments kami. daming mga revelations so windang mode kami. hehe. kahit sobrang puyat effect na kami, energy pa rin. kakatuwa nga si nia kasi yung mga connection effect niya tungkol doon sa mga pictures ko dito sa pc ko. ang saya lang. yung mga manhid effect. hehe. mag-quarter to three na ata kami natulog tapos mga past seven na kami nagising. ang saya talaga. hehe


* * * *


tumawag dito si jerone kagabi, wala lang. first time ko siya makausap. kulit mode. may problem nanaman. kasi naman noh, ang dami kasing mga tao sa mundong papansin. rawr. pero alam kong maayos din nila ang lahat ng mga problems nila ni miyo.


* * * *


cie. yan muna. magagalit na sa kin si nia. babuska.


BLACK AND WHITE -
10/17/2006 04:27:00 PM




Y 10.04.2006


ang daming nangyaring mga bagay-bagay sa mundo ngayon.


* * * *


una, nagpunta kami sa dost nung wednesday para sa research namin. bumababa kami ng dyip doon sa may bungad, tapos naglakad kami papunta don sa main entrance. sa gate akala namin hindi papasukin, buti nalang mabait yung furad. nagtanong-tanong kami sa mga tao kung saan ba kami pwede mag pa consult tungkol sa research namin - kung saan-saan na kami napadpad. feeling ko nalibut na namin yung buong compund ng dost. tapos to find out na yung pupuntahan pala namin ay doon mismo sa binabaan namin ng dyip. so windang mode na. bumalik kami doon. ang bait talaga nung mga tao doon. ang friendly at talagang willing to gelp. hindi katulad sa ust na parang utang na loob pa namin na nagtanong kami sa kanila ng directions. basta ang bait ng mga tao sa dost! tapos kumain muna kami sa bahay nia lou.. ang sarap ng adobo ng mama ni lou. doon ko nga lang nalaman na nilalagyan ng egg ang adobo. sarap talaga. tapos acheivement kasi naka-ubos ako ng isang glass ng softdrinks. hehe. ang cute pa ng kapatid ni lou, milo yung name niya pero vincent paul [ano raw nick paul? hehe] yung whole name niya. ang cute niya, ang puti. naaliw din ako kasi milo yung nickname ng kapatid niya tapos milka yung kay lou oh diba ang cute!! tapos bumalik ulit kami sa dost para don sa mga certificate of appearance at doon sa scholarship form at bumalik na kami sa school. ang saya talaga.



* * * *


last week, sinalanta ng super typhoon na si milenio [tama ba yung spelling?] ang pilipinas. grabe. hapon ng miyerkules, ika-27 araw ng setyembre, sinabi na walang pasok daw pasok sa huwebes dahil may bagyo daw. nagulat nga ako nun eh, hindi ako ma-absorb na walang pasok. hindi ko kasi na-feel yung presence nung bagyo. sabi ni daddy umuwi na lang kami sa alabang since wala ngang pasok. mga pagdating ng alas-8 ng umaga, biglang nag-brown out. tinawagan namin yung gurad, sabi daw mga 30 minutes lang daw yun. hanggang tumagal na ng tumagal. wala pa ngang ilaw don hanggang ngayon eh. hindi ko alam kung bakit. tapos yun, bumagyo na ng sobrang malakas mga bandang hapon ata yun. na uproot nga yung mga puno sa harap ng bahay namin. hindi ko matanggap kasi sabi ng mama ko nung bagong bili pa lang yung bahay namin andoon na daw yun, malaki na. ang daming memories don sa puno na iyon, doon kami naglalaro ng swing noong maliliit pa kami, may duyan pa nga kami doon eh. nakakalungkot lang. tapos wala din pasok nung friday. walang magawa sa bahay. sobrang boring. dapat nga mag-checheck-in kami sa hotel eh. pero sobrang fully booked na lahat. kaya hindi na lang. nag-usap kami ni janine sa phone, wala din siyang magawa. nawindang lang kami. hehe. tapos nagka-ilaw na dito sa condo, kaya dito kami. ang crowded nga namin eh. sana magka-ilaw na sa alabang!


* * * *


nawindang ako sa mga bagong nalaman na mga bagay. nakakatawa. hindi ko ma-absorb. wala lang. parang naninibago lang ako. yung mga iba nalaman ko na kung ano ang paniniwalaan ko, pero wala lang. nakakabaliw.


* * * *


bukas mag-prepresent na kami ng project sa humanities. hala, hindi pa namin na pra-practice yun. sana maging okay ang lahat. ayoko magkalat!


yan muna sa ngayon. sa susunod uli. cieicie.


BLACK AND WHITE -
10/04/2006 08:32:00 PM




Y 9.27.2006


hai nako.
akala ko pa naman okay na ang lahat.
akala ko magiging masaya na ako ngayon.
humingi ako ng sign kay God.
binigay niya.
at masaya ako.
pero nagsisisi ako,
dapat hindi ako naging masyadong masaya.
pero sabi nila baka daw coincidence lang daw yun.
hindi ko na alam kung sino ba papaniwalaan ko.
magulo ang buhay.
pagod na ako.
si kalungkutan ay narito nanaman upang dalawin ako.
at mukhang magtatagal siya.
hai.


isang taon na pala.
27 ngayon.
kala ko talaga magiging masaya na ako.
puro na lang ako akala.
kailan ba talaga mangyayari ang mga dapat mangyari?
bakit ba ang tagal ng alitaptap ko?
hai nako.


ang problemado ko naman.
lagi na lang ganito.
ewan ko ba.
hindi ko alam ang gagawin ko.
isasa-Diyos ko na lang lahat.


BLACK AND WHITE -
9/27/2006 07:19:00 PM