<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=22387937&amp;blogName=tawa+na+lang.+hahaha.&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://charleymarianregina.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://charleymarianregina.blogspot.com/&amp;vt=-6274345534864483099" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <iframe src="http://www2.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=6035547611738480329&blogName=JEX.+%3BD&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Findex.html&searchRoot=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Y 9.07.2006


ang pangit ng araw na toh. kasi nung umaga, andoon na ako sa gate tapos naalala ko na naiwanan ko pala ung pamasahe ko, bumalik ako, buti na lang hindi pa ako nakakalayo! so medyo sign na yun na may pangit na mangyayari. tapos sa tle, ginamit kasi ng roentgen at einstein yung flour namin. sabi ni maica ng roentgen papalitan daw nila yung flour namin, isang box pa daw. yung pinalit na flour nakaplastic lang. so medyo okay lang kami, akala namin sinalin lang, nung inamoy namin. ang baho! baka low class ng daw un sabi ni mam. sobrang nag-flare up nanaman yung emotions ko sa roentgen. sabi ni mam quintal wag daw gamitin. tapos, sila jessica matibag kasi yung humiram ng flour namin sa einstein, sabi babayaran na lang daw nila. eh hindi naman pwede un, kasi nga wala nga kaming flour, eh mabaho nga yung flour na bigay ng roentgen. so sabi namin palitan nila, kahit sa ibang group ng einstein. so nagbigay sila ng flour. buti na lang. tapos yung araw ng katangahan effect. wala lang, nasaktan lang ako. eh kasi naman noh, tao lang, nagkakamali. so bad trip na ako, baka bad vibes na rin kasi ilang days na akong senti mode.


hay nako. ang drama nanaman ng mundo ko.. birthday ko na bukas. yehey? ewan ko ba. may sakit pa ako. ayoko na talaga. nag pa birthday bash ako kanina sa cat.. okay lang, masaya. sobrang wet-look na ako kanina. ang lamig pa nung softdrinks, pero nakaganti din naman ako sa kanila eh. ice cream! umuwi na din ako pagkatapos, sobrang basa ko, wala akong extra skirt na dala. tyka masama nga pakiramdam ko, kaya un. sinundo ako nila mama, sabi niya ayos na daw yung venue ng birthday ko, pinakita niya pa nga sa akin yung menu para bukas.. hay.


ayoko na talaga. akala ko magiging okay na lahat sa birthday ko, hindi pala. nakaasar talaga. hindi kasi pupunta sila janine. or hindi sila sure, basta ganon. nakakafrustrate talaga. medyo okay na kasi ako sa mga iba kong problema, kaso yung mga tao pang sobrang close sa akin yung mga taong nagpapaiyak sa akin ngayon.
HINDI KO INEXPECT NA SILA PA ANG DAHILAN NG AKING KALUNGKUTAN, SOBRANG NASAKTAN AKO.
si janine nakikita ko yung effort niya, kinukulit niya ako. feeling ko ang harsh ko nga sa kanya eh. yun kasi ang nararamdaman ko, naiinis ako. pero yung mga ibang tao, parang wala lang.. ang sakit talaga, hindi ko talaga maiiwasan mag tampo. hay. ewan ko ba.


ang sakit-sakit talaga. binati pa ako ng daddy ko kanina ng advance happy birthday. hinug niya pa ako, tapos kiniss niya ako sa forehead, hay. hindi ko nalang pinakita na naiiyak na ako. tapos marami pang ibang tao ang bumati, si tita lisa, ate sammie, si jerone, si miyo at marami pang iba. daddy kasi eh, ayoko na umiyak. hay. ayoko na mag-birthday.pwede bang forever thursday na lang. sana tumigil ang oras. nasasaktan lang talaga ako kay na janine.. kasi naman noh, gusto ko lang naman sila sumama, sobrang simple lang naman noh non eh. last year na toh, sana naman pagbigyan nila ako. ang birthday ko isang beses lang sa isang taon. tapos hindi pa nila magawang sumama. ewan ko ba kung may lakad silang iba o hindi sila pinayagan o ayaw lang nila sumama dahil nahihiya sila sa mga ibang taong mga kasama. hay. sumama lang sila, sobrang contented na ako.
SUMAMA LANG, MASAYA NA TALAGA AKO. KAHIT WALA PANG REGALO, MAKITA KO LANG ANG MGA TAONG MALAPIT SA PUSO KO NA MAGKAKASAMA, MASAYA NA TALAGA AKO.
nakakainis, si daddy kasi eh.. ayoko na umiyak, pagod na ako, diba dapat masaya ako? hindi pa tuloy ung plano namin ni jerone bukas, baka. Lord, pagsubok po ba ito? ayoko na talaga. Mama Mary tulungan niyo po ako.


sobrang excited pa naman ako, sasayaw kasi sila casey bukas, tapos kakanta si erson. tapos dapat tuloy ung plano namin ni jerone, un pala. hay. i really hope that everything would be okay. sana talaga. puro na lang ako sana. diba 'sana' ang pinakamasakit na kataga? sinabi yun ni luigi don sa full house eh. ang korny ko. hay.


BLACK AND WHITE -
9/07/2006 07:52:00 PM