<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=22387937&amp;blogName=tawa+na+lang.+hahaha.&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://charleymarianregina.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://charleymarianregina.blogspot.com/&amp;vt=-6274345534864483099" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <iframe src="http://www2.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=6035547611738480329&blogName=JEX.+%3BD&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Findex.html&searchRoot=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Y 10.04.2006


ang daming nangyaring mga bagay-bagay sa mundo ngayon.


* * * *


una, nagpunta kami sa dost nung wednesday para sa research namin. bumababa kami ng dyip doon sa may bungad, tapos naglakad kami papunta don sa main entrance. sa gate akala namin hindi papasukin, buti nalang mabait yung furad. nagtanong-tanong kami sa mga tao kung saan ba kami pwede mag pa consult tungkol sa research namin - kung saan-saan na kami napadpad. feeling ko nalibut na namin yung buong compund ng dost. tapos to find out na yung pupuntahan pala namin ay doon mismo sa binabaan namin ng dyip. so windang mode na. bumalik kami doon. ang bait talaga nung mga tao doon. ang friendly at talagang willing to gelp. hindi katulad sa ust na parang utang na loob pa namin na nagtanong kami sa kanila ng directions. basta ang bait ng mga tao sa dost! tapos kumain muna kami sa bahay nia lou.. ang sarap ng adobo ng mama ni lou. doon ko nga lang nalaman na nilalagyan ng egg ang adobo. sarap talaga. tapos acheivement kasi naka-ubos ako ng isang glass ng softdrinks. hehe. ang cute pa ng kapatid ni lou, milo yung name niya pero vincent paul [ano raw nick paul? hehe] yung whole name niya. ang cute niya, ang puti. naaliw din ako kasi milo yung nickname ng kapatid niya tapos milka yung kay lou oh diba ang cute!! tapos bumalik ulit kami sa dost para don sa mga certificate of appearance at doon sa scholarship form at bumalik na kami sa school. ang saya talaga.



* * * *


last week, sinalanta ng super typhoon na si milenio [tama ba yung spelling?] ang pilipinas. grabe. hapon ng miyerkules, ika-27 araw ng setyembre, sinabi na walang pasok daw pasok sa huwebes dahil may bagyo daw. nagulat nga ako nun eh, hindi ako ma-absorb na walang pasok. hindi ko kasi na-feel yung presence nung bagyo. sabi ni daddy umuwi na lang kami sa alabang since wala ngang pasok. mga pagdating ng alas-8 ng umaga, biglang nag-brown out. tinawagan namin yung gurad, sabi daw mga 30 minutes lang daw yun. hanggang tumagal na ng tumagal. wala pa ngang ilaw don hanggang ngayon eh. hindi ko alam kung bakit. tapos yun, bumagyo na ng sobrang malakas mga bandang hapon ata yun. na uproot nga yung mga puno sa harap ng bahay namin. hindi ko matanggap kasi sabi ng mama ko nung bagong bili pa lang yung bahay namin andoon na daw yun, malaki na. ang daming memories don sa puno na iyon, doon kami naglalaro ng swing noong maliliit pa kami, may duyan pa nga kami doon eh. nakakalungkot lang. tapos wala din pasok nung friday. walang magawa sa bahay. sobrang boring. dapat nga mag-checheck-in kami sa hotel eh. pero sobrang fully booked na lahat. kaya hindi na lang. nag-usap kami ni janine sa phone, wala din siyang magawa. nawindang lang kami. hehe. tapos nagka-ilaw na dito sa condo, kaya dito kami. ang crowded nga namin eh. sana magka-ilaw na sa alabang!


* * * *


nawindang ako sa mga bagong nalaman na mga bagay. nakakatawa. hindi ko ma-absorb. wala lang. parang naninibago lang ako. yung mga iba nalaman ko na kung ano ang paniniwalaan ko, pero wala lang. nakakabaliw.


* * * *


bukas mag-prepresent na kami ng project sa humanities. hala, hindi pa namin na pra-practice yun. sana maging okay ang lahat. ayoko magkalat!


yan muna sa ngayon. sa susunod uli. cieicie.


BLACK AND WHITE -
10/04/2006 08:32:00 PM