<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=22387937&amp;blogName=tawa+na+lang.+hahaha.&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://charleymarianregina.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://charleymarianregina.blogspot.com/&amp;vt=-6274345534864483099" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <iframe src="http://www2.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=6035547611738480329&blogName=JEX.+%3BD&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Findex.html&searchRoot=http%3A%2F%2Fjexunited.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Y 11.20.2006


akala ko pa naman hindi nakakapagod ang araw na toh. mali pala ako. sa tle, wala si mam quintal. maaaring nasa baguio siya ngayon para sa parliamentary procedure. fm, walang ginawa. gumawa lang ako ng aking gawaing bahay para sa asignaturang sipnayan. pe, wala si pogi, wee. ang saya! pero sinabi niya na mag ensayo raw kami para sa nalalapit na carol fest. sana manalo kami! erg. may na alala ako. bwisit! mananalo kami! wahaha. hay grabe. at nagsimula na ang pagdurusa. sobrang natuyo ang utak ko!! biro mo ba naman. mula sa asignaturang ingles hanggang sa asignaturang pisika ay puro mga pagsusulit ang ginawa namin. sino ba naman ang hindi matutuyuan ng utak non?

nagalit sa amin kanina ang aming guro sa ingles. e2 pa nga ang mga katagang kanyang sinabi,
"un ang sinabi ko, kaya wag mong ipilit na iba ang sinabi ko dahil alam ko kung ano ang sinasabi ko."-azuh

nagtaray talaga ang lola mo. tapos ayun na, magbigay na siya ng pagsusulit. masaya naman ako dahil mataas ang nakuha kong marka. ngunit hindi ko akalain na magiging sunuod-sunod na ang aming pagdurusa. sa asignaturang ekonomiks, nag seatwork kami. pagsusulit din yun diba? parang ganon. wahaha. at pagdating ng asignaturang sipnayan, pamatay talaga yung pangalawang numero. hindi ko alam kung papaano ko ma-fafactor yun. laking pasalamat ko sa May Kapal at nakapasa naman ako. at eto na ang kinakatakutan ng lahat, ang kimika! patay na. grabe, sobrang minadali kami ng aming mahal na guro.

"its alrheady time. baka mah-leyth na kayoh sa shushunod niyohng shubject"
-frahnchiscoh

kaya un, hindi ko tuloy nasugutan ang ikaapat at ikalimang numero. ngunit hindi pa doon tumigil ang aming mga pagsusulit. sa asignaturang sangkatauhan [humanities. wahaha] binigyan kami ng azuh ng pagsusulit tungkol sa iniuulat namin noong 2 linggong nakakaraan. windang ako. yung mga taong akala naming pinagkukuhanan ng mga sagot ng mga tao, sila pala ang na ngongopya. alam na. wahaha. sa asignaturang pisika, may pagsusulit uli. hay pagod na utak ko. dinadalaw na ako ni somnus, ngunit kailangan labanan ang antok kahit na alam kong ito'y nag papa-bobo. sa asignaturang araling syensya ng kompyuter, nagbigay lang siya ng panibagong aralin. ang saya kasi naintindihan ko.

wee. ang saya. walang pasok bukas. pagbubukas kasi ng palarong maynila. kaya yun, walang pasok! pero kung susumahin, ang mga mag-aaral lamang ng ikaapat ng baitang ang walang pasok dahil may mtap ang mga mag-aaral ng una hanggang sa ikatlong taon.

eh ano naman kaya ang gagawin ko dito sa bahay? nakakatamad kaya. tutunganga nalang ba ako't tititigan ang aming pader? wahaha. ewan ko. mas mainam siguro kung matulog na lang ako para masaya. marami pa akong dapat gawin. aaralin ko pa yung i-uulat ko sa filipino. gagawin ko pa ang proyekto ng aking mahal na kapatid. napakabait ko talagang ate. weh? wahaha. at yung sikreto namin ni maricar. wahaha.

masaya ako at nasilayan ko ang kanyang mukha kaninang uwian. wahaha. kababawan ko na naman. eh ano naman ngayon? eh kung sa yun ang nagpapasaya sa akin eh. sana makamit ko na talaga ang tunay na kasiyahan sa buhay. wahaha. ang lalim. pero hindi drama yun ha. gusto ko yun ang regalo ko sa nalalapit na pasko! wahaha.

lapit na ng ymca. ako'y lubos na nagagalak. dami sasama sa ikaapat na taon. sana manalo muli ang ating paaralan bilang outstanding delegation at largest delegation. wahaha.

ciecie. yan muna sa ngayon. bukas uli wala namang pasok eh. papalitan ko na rin ang layout nito. ilang bilyong taon na rin ang nakakalipas eh. wahaha. cie


BLACK AND WHITE -
11/20/2006 08:20:00 PM